Susmarya Purisima!

May panawagan ang ilang sectors lalo na ang Chinese community na magbitiw si PNP Director Gen. Alan Purisima dahil sa tumataas na bilang ng krimen at kidnapping. Ang masakit pa nito, ilan sa mga krimeng ito ay kinasasangkutan pa ng mismong mga nasa hanay ng PNP. (Remember the holdap incident along EDSA?). Hindi raw sya epektibong hepe ng kapulisan. Bukod pa rito, kontrobersyal din ang kanyang pangalan dahil sa ilang iregularidad sa pagkakaroon nya ng mga ari-arian. Kahit ilang palusot ang sabihin, sa kabilang banda ay sabit pa rin.

Ito ang ilang halimbawa:
Ang mga luxury vehicles nyang  Land Cruiser Prado na nagkakahalaga ng P2.98 milyon, Toyota Alphard 2013, na halagang P3.2 milyon ay ‘heavily discounted’ daw, umabot halos ng 60% off, ano ‘to joke? Then, tinanong s’ya bakit hindi idineklara sa kanyang SALN, (Alam naman natin kapag ang isang public official ay hindi nagdeklara ng tamang SALN), bigla s’yang kumambyo na hindi talaga sa kanya ang mga naturang sasakyan kundi ipinahiram lang sa kanya.
Ang kanyang 4.7 hectares property sa Nueva Ecija ay nabili sa halagang P150,000 noong 1998. Ang galing naman, kahit siguro lupaing pinamumugaran ng Abu Sayaff sa Basilan hindi ka makakabili ng ganong kamurang lupa.

Ang tinaguriang ‘White House’ sa loob ng Camp Crame, ang opisyal na bahay ng PNP chief ay galing din diumano sa ‘donations’. Karamihang diumano ng kanyang mga ari-arian ay ‘donations’ or gifts galing sa mga kaibigan at kakilala.

Aba Officer, bawal ‘yan! Ayon sa RA 6713, Sec. 7. Prohibited Acts and Transaction. (d) Solicitation or acceptance of gifts. - Public officials and employees shall not solicit or accept, directly or indirectly, any gift, gratuity, favor, entertainment, loan or anything of monetary value from any person in the course of their official duties or in connection with any operation being regulated by, or any transaction which may be affected by the functions of their office. At dahil dyan pwede syang kasuhang ng kasong administratibo.

Sa kabila ng mga kontrobersyang ito, ang MalacaƱang ay nagtatanggol pa rin kay Gen. Purisima. Ayon kay PNoy, si Gen. Purisima ay hindi maluho ang pamumuhay. Ngunit Mr. President, ang punto ay hindi kung naging maluho ang pamumuhay o hindi, kundi kung bakit may iregularidad na pag-aari si Gen. Purisima.

Payo ni Sec. Panfilo Lacson na dati ring naging hepe ng PNP kay Gen. Purisima, huwag na nyang hataking pababa ang presidente. Kung may delikadesa sya, hindi na raw dapat magkanlong sa pangulo.




No comments:

Post a Comment

Freethinkers are those who are willing to use their minds without prejudice and without fearing to understand things that clash with their own customs, privileges, or beliefs. This state of mind is not common, but it is essential for right thinking; where it is absent, discussion is apt to become worse than useless. -Leo Tolstoy