Markang Demonyo

Lagi kong naririnig noong bata ako sa mga tiyo at mga maglalasing sa amin, "ibili mo nga ako ang markang demonyo". Tinutukoy nila ang pinakapopular na alak sa Pilipinas maging sa ilang parte ng mundo na gin. Bilang bata, curious ako kung bakit markang demonyo ang tawag sa gin (actually Ginebra San Miguel ang brand nito). Habang tumatatagal, nagkaroon ako ng pakahulugan kung bakit markang demonyo ang tawag sa inuming iyon na kapag nakakainom ay parang mga sinasapian ng demonyo, tulad ng mga nagrarambo, naghahamon ng away, at nagwawasang sa bahay kapag nakakainom.

Kung babalikan ang kasaysayan, mahigit sandaang taon nang namamayagpag sa pamilihan ang alak na ito. Sinasabing inihanda ito sa makasaysayang Malolos Convention kung saan nabalangkas ang Malolos Constitution noong 1898. (Duda ako dito ah, parang usapang lasing lang ang nangyari noon, hehe). Aking napag-alaman din na ang label ng ginebra na pagmamay-ari ng business tycoon na si Don Enrique Zobel ay iginuhit ni National Artist Fernando Amorsolo na pinamagatang "Marca Demonio". 'Yun naman pala!

Tama na ang kwento, tagay nah, hik!


No comments:

Post a Comment

Freethinkers are those who are willing to use their minds without prejudice and without fearing to understand things that clash with their own customs, privileges, or beliefs. This state of mind is not common, but it is essential for right thinking; where it is absent, discussion is apt to become worse than useless. -Leo Tolstoy