Pinakamasahol na Paliparan

Topnotcher! Opo, No.1 na naman po ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa 10 Worst Airport in the World ayon sa Life Cheat Sheet website ngayong taon. Ayon sa website, matinding pakikipagtagisang-buno ng 32 milyong pasahero kada taon ang dapat sana’y pang 6 milyong pasahero lamang kada taon kapasidad ng paliparan. Inilahad din ng website ang pamantayang-sukat tulad ng, “walang modong mga tauhan, sira at panget na pasilidad tulad ng aircon at CR, mahabang pila, at siksikan. “ Noong nakaraang taon, ganito rin ang pananaw ng website na Guide to Sleeping in Airports,  Halos sa magkaparehong pamantayan, hinatulan ng naturang website bilang Rank#1 Worst Airport in the World. Hinusgahan ayon sa sumusunod ng criteria, Comfort: crowded terminals or uncomfortable/limited seating; Conveniences: terminal closes at night, no 24-hour food options or nothing to do on a layover; Cleanliness: dirty floors, bathrooms or food courts; and Customer Service: unfriendly staff or anti-airport sleeper policies. Idagdag pa natin yung mga tambay sa may labasan ng NAIA. Kunwari, tutulungan kang buhatin o itulak ang trolley kahit hindi naman kailangan ng tulong tapos hihingan ka ng 100-500 pesos. Hindi sila aalis, at hindi ibibigay ang iyong mga gamit na may kasamang pananakot hangga’t hindi aabutan ng pera. Bakit kaya hindi walisin at ipagbawal ang mga istambay sa NAIA na karamihan ay mga extortionists? Dagdag pasira ng imahe ng paliparan. Dagdag sa stress.

Noong isang taon, binisita ni Pangulong Aquino ang NAIA upang personal na inspeksyunin at napag-alaman niya na may katotohanan nga ang bali-balita. So, ano na ang plano? Anong petsa na ngayon? Wala pa ring kaayusan. Ang kanyang kalihim sa DOTC na nangangasiwa sa pagsasaayos nito na si Sec. Jun Abaya ay dating sundalo at abogado ay makupad umaksyon. Ang masama pa nito, hindi niya tinatanggap ang kahinaan ng airport. E, paano ba uumpisahang aaksyunan ang problema kung sa paningin ng isang tao ay hindi naman iyon problema? (Minana sa katangian ng boss nyang si PNoy, nang minsang kapanayamin ng media ang presidente tungkol sa problemang trapiko, aniya,  “ang traffic jam daw ay tanda ng progreso”, haisst!..) Marahil ang departamento ay hindi akma sa kanyang dating propesyon. Isang inhenyero dapat ang nangangasiwa sa sangay na ito. Ang hirap kase, sa pagpili ng iuupo sa mga sangay ng gobyerno, kung sino na lamang ang maisaksak sa puwesto kahit hindi akma ang kaalaman at kasanayan. Tulad na lamang ni MMDA Chairman Tolentino na isang abogado rin, kinamalayan ng taong ito sa mga gawaing teknikal at mga public works. Kung debate ‘yan pwede!


Marami ang nagngitngit sa pagwika ni Dan Brown na “Manila is gate of hell”. Ngunit heto na ang hubad na katotohanan na pilit itinatanggi at pinagtatakpan. Sa unang paghakbang pa lamang sa pultahan ng bansa, mararanasan ang paunang buga ng apoy ng ‘impyerno’.


No comments:

Post a Comment

Freethinkers are those who are willing to use their minds without prejudice and without fearing to understand things that clash with their own customs, privileges, or beliefs. This state of mind is not common, but it is essential for right thinking; where it is absent, discussion is apt to become worse than useless. -Leo Tolstoy