Wika ni Ely, “Puno ng tuwa’t galak ang aking balikbayan box
- pandikit, damit, at laruan, poster ay wala nang paglagyan…” Ngunit kapag
dumating sa tahanan mo ang balikbayan box na binulatlat ng mga taga-customs,
tiyak na ang tuwa’t galak mo ay mapapalitan ng inis at yamot.
Nitong mga nakaraang linggo ay iniutos ni Customs
Commissioner Alberto Lina na halughugin ang mga padalang balikbayan boxes na
dumadaong sa pantalan ng bansa. Dahilan diumano sa nakakalusot na high value items na hindi napapatawan ng karampatang tax. Ok, aminado tayo na may pailan-ilan ngang nagpapalusot ng high value items tulad ng appliances, at ilang branded na damit at gamit pangkatawan ngunit ang tanong worth nga ba talaga itong kalkalin? Parang ganito lamang 'yan e, nangha-hunting sya ng surot sa cabinet pero hindi pinapansin ang naglipanang mga daga at ipis sa loob ng kwarto. Ipinapakita lamang ng mamang ito kung gaano siya kakitid mag-isip. Iyong tig 50 kg. na mga balikbayan box pinagdidiskitahan ngunit ang mga dambuhala at tone-toneladang basura galing Canada, ang conte-container vans na kontrabando galing china tulad ng counterfeited brand goods, sibuyas, carrots, repolyo, etc. ay lantarang nakakapasok sa pantalan. Paki-explain nito Mr. Commissioner, o talagang kulang pa ang nakokomisyon dyan kaya pati gamit ng mga nag-aabroad ay pakikialaman.
Nitong araw nagpahayag siya bilang depensa sa kanyang direktiba... "I have my duty to protect this country…Kung dumami
ang droga dito, dumami ang mga baril, sisihin mo ako, 'di ba? 'Yun ang aking
gagawin, I have to implement the law." Aba teka Mr. Commissioner, bakit napunta sa droga at baril ang usapan dito? High value items for taxation ang orihinal na pakay dito di ba. FYI, Mr. Commissioner, sa bansang pinanggalingan ng balikbayan box ay may screening na 'yan. At paano maglalagay ng droga at baril sa balikbayan box na may pangalan at address na pagdadalhan na kalimita'y kapamilya pa ng nagpadala? Sa isa pang panayam kay Comm. Lina, parang kengkoy lang na nagpahayag na baka raw kargahan ng 'WEAPON OF MASS DESTRUCTION' ang mga balikbayan box, May ATOMIC BOMB? May NUCLEAR WARHEADS sa ipinapadalang balikbayan box? Alam kaya ng taong ito ang lumalabas sa bunganga nya?
Sa totoo lamang, ano ba ang purpose ng box na ito? Bakit nagbabalot ang mga ofw ng mga items na kung tutuusin ay available rin naman sa bansa. Simple lamang dahilan, ito'y upang bigyan ng munting kasiyahan ng mga nag-aabroad ang mga naiwang pamilya sa bansa. Ito ay isang simbolismo. Katulad ito ng isang regalo ibinibigay tuwing kaarawan at pasko. Ang maramdaman ang saya sa pagbubukas nito ay malaking bagay sa pakiramdam ng nagpadala. Ngunit kung ito ay nauna nang binuksan ng mga ulupong, nawawala na ang excitement bagkus ay inis at galit na ang rerehistro sa mukha ng tumatanggap.
Isa pang tanong, bakit kailangang pisikal na buksan? Nariyan naman ang x-ray machine para maaninag ang laman sa loob. Kilala na natin ang hilatsa ng bituka ng mga taga customs. Hindi maiialis ang agam agam ng ating mga kababayan na maaring pagsamatalahan ang mga laman ng mga box. Kung iyon ngang hindi binubuksan ay nagkakawalaan ng gamit, ito pa kayang ilalantad sa mata ng mga buwitre ang mga items sa loob. Kung sakaling may masira, o mawala sa mga laman ng balikbayan box sa pagbubukas nito, sagot ba ng customs ang mga ito? Ano ang assurance ng mga kababayan natin na hindi masasalaula ang mga bagahe?
Bonus info. Sa pagkakahirang ni PNoy kay Commissioner Lina, marami na ang duda sa kanyang pagkatao. Bago pa man siya nahirang, may 7 customs brokerage company na pag-aari ni Lina ang sangkot na sa maanomalya at irregular na mga transaksyon. Ang kanyang mga kompanya ay iligal na nakakapagpalusot ng mga kontrabando sa pantalan. Tunghayan ang video at alamin ang kung anong uri ng pagkatao mayroon ang mamang ito.

No comments:
Post a Comment