Noong lagdaan ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan
ng Pinas at US noong 1998 marami ang probisyon sa kasunduan ang dehado ang
Pinas tulad ng malayang paggamit ng military bases at paglabas-masok ng
kagamitang pandigma sa teritoryo ng bansa. Kasama na dyan ang ‘di patas na
paghawak sa mga kaso ng pasaway na mga sundalong ‘kano. Kung natatandaan ang
kaso ni corporal Daniel Smith noon sa panggagahasa sa isang Pinay, walang
nangyari sa kaso, at ni hindi man lang na-inquest ang salarin.
Ngayon ay isa na namang mas malalang kaso ang nagbigay bahid
sa kasunduan. Dito’y lumalabas ang ilang kapalpakan ng kasunduang ito.
Tinanggap ng Pinas ito kahit dehado dahil wala naman talagang magandang
pam-bargain ang Pinas sa VFA na ito. Ang isa pa, para magsilbing panggulat na
rin sa mga kairingan ng Pinas tungkol sa issue ng agawan ng teritoryo sa West
Philippine sea. ‘Ika nga e,” may ‘kuyang’ tutulong sa amin kapag inatake nyo
kami”. Pero ang tanong, maasahan ba talaga itong ‘kuya’ na’to kung sakali ngang
sumiklab ang digmaan? Noong pumunta si Pres. Barack Obama sa Pinas noong
nakaraang ilang buwan, wala siyang direktang sinabi na tutulong nga sa Pinas
dahil sila ay may pinangangalagaang sariling ugnayan din sa China. Kasama sa
kasunduan ang paggamit ng halos lahat na base military ng Pinas at kasama na
nga ‘ata sa negosasyon ang ‘unlimited aliw’ ng mga sex workers at prostitutes at
ilang ‘kapit sa patalim’ na mga pinays.
Kaya naman itong mga bisiting Kanong sundalo ay napaka-lax sa pananatili
sa bansa. Nagagawa kahit anong gustong gawin at mga Pinoy pa ang naninimbang sa
kanila. Heto na nga ulit ang ginawang walang kwentang krimen. Ayon sa ulat, inaakusahang pinatay ni PFC Joseph Scott Pemberton si Jeffrey ‘Jennifer’ Laude dahil
napag-alaman niya na isa palang transgender ang kanyang nadale. Kumbaga,
parang sa deal ng mga sindikato ng droga, ipadalhan sya ng ‘fake goods’ kaya
nagngitngit sa galit. Pumunta ang mga ‘kano na yan sa Pinas para sa
military exercises, eh parang iba ang pinaggagawa, ‘pototoy’ ang pinapaputok ng
mga hinayupak. Wika ni Sen. Mirriam Santiago, "…"If the Philippines
has primary jurisdiction, then it follows that the Philippines should have
custody. But this logic is spurned by the VFA… When the US requests custody,
the Philippines is required to comply immediately. But when the Philippines
considers it to be an extraordinary case and requests custody, the US is merely
required to give full account…This gross inequity is the elephant in the
room…We are a stillborn state because our umbilical cord from the US has never
been cut…" Ang gobyerno kasama na ang militar ng Pinas ay hindi natitinag
bagkus ay umiiwas o itinuturing na maliit na bagay lang ang nangyari. Masakit
tanggapin na magpasahanggang ngayon, ang mga Pinoy ay humahalik pa rin sa puwit
ng mga Kano.
Hindi ako tutol sa VFA. Maganda ang hangarin ngunit
nararapat na repasuhin ang kasunduang pumapaloob sa VFA. Bigyan ng balanseng
pagtingin at pairalin ang umiiral na batas ng bansa sa mga ilang pasaway na
bisitang ito. Sa estado ngayon, ang VFA ay pasimpleng pagsasamantala sa kahinaan
ng bayang Pilipinas.


No comments:
Post a Comment