Sa ika-uno ng Nobyembre, ginugunita ng mga Pinoy ang Araw ng
mga Patay, sa ika-dos naman ay Araw ng Kaluluwa. Ito ang isang tradisyon taun-taon bilang
pagunita sa mga pumanaw na mahal sa buhay. Sila ay nananatili pa ring buhay sa alaala
sa pamamagitan ng pagdalaw sa kanilang mga puntod.
Ang kamatayan ay isang pangyayaring hindi kayang baliin. Ito
ay batas ng kalikasan na umiiral sa sansinukob, ‘ika nga ‘kapag may simula, may
wakas’. Ang sabi sa Kasulatan, ang kamatayan daw ay isa sa parusa ng Diyos
dahil sa unang pagsuway sa kautusan ng unang tao sa balat ng lupa na sina Adan
at Eva. Hindi ko lubos maisip kung ano ang itsura ng mundo ngayon kung walang
kamatayan, siguradong overloaded na ang mundo (zillions of population would be alive
today, excluded the plants and animals). Imagine, may chance mo pang makausap
sina Adan at Eva ng personal kung hindi sila nagkasala noon. Minsan may nabasa akong kasaysayan sa
sinaunang dinastiya sa Tsina. Si Emperor Qin Shi Huang Ti noon ang nagpahanap
sa kanyang mga tauhan ng ‘fountain of youth’ sa gawing silangan ng Tsina dahil
gusto niyang manatiling bata at mabuhay ng matagal o magpakaylanman, the elixir
of life. May mga bagay kase noon na ang paniniwala ay hindi nagkakalayo ang
katotohanan at pantasya, kaya naman marami ang mga sinaunang aklat at kasulatan
ang mayaman sa magical events, kasama na riyan ang mga religious scriptures. Because
of craziness of this leader, nasimulan ang pagtatayo ng Great Wall of China
dahil may manghuhulang nakapagsabi sa emperor na ang makakapatay sa kanya ay
mga barbarong Mongols, kaya nagpatayo ng napakahabang pader sa dakong hilaga ng
Tsina kung saan magsisilbing harang sa mga barbaro at nomads na mula sa labas
ng Tsina. Ngunit gaano man kalakas, gaano man kalaki, gaano man kalawak ang mga imperyo at dinastiya ay nagwawakas,
ang mga matitikas na mga hari at emperor ay humihina at namamatay din.
Ang kamatayan marahil ay isa sa mga dahilan kung bakit
naimbento ang mga relihiyon kung saan hindi nagkakaiba ang turo tungkol dito.
Sinasabi na ang buhay sa mundo ay panandalian lamang. Ang walang hanggang buhay
ay pagkatapos ng kamatayan na tinatawag na ‘sumakabilang buhay’. Marahil ay
hindi matanggap ng tao na ang istorya ay nagtatapos sa kamatayan kaya
kailangang mapaniwala ang sarili na may buhay pagkatapos ng kamatayan. Hindi rin
nagkakaiba ang turo sa hatol sa mabubuti at masasama kung saan ang
kani-kanilang Supreme Being ay may reward and punish system. Sa paniniwalang
Kristiyano, langit, at impyerno ang destinasyon. Ang langit ay destinasyon ng
mga mababait kung saan inilalarawan ito na katulad ng isang paraiso at lantay
ng ginto ang paligid na may nagkakantahang mga angel. Impyerno naman ang bagsak
ng mga pasaway kung saan ito ay dagat ng apoy at puno ng paghihirap. Ganun din
ang Judaismo. Ang katoliko kristiyano ay
may idinagdag pang semi-impyerno o purgatoryo kung saan inilalagay ang may mga pending
cases, kumbaga eto yung detention cell na tipong kailangang ipaglaban sa court
of appeal upang maisalba sa dagat ng apoy. Ang mga taong buhay ang umaapila
para sa mga ito upang mahango sa semi-impyerno na’to. Ganito ang paulit ulit na
inuusal, “…hanguin mo ang mga kaluluwa
sa purgatoryo, lalung-lalo na ang nangangailangan ng iyong awa…”. Sa paniniwalang Islam, kapag nabuhay ang isang
muslim ng kalugod lugod kay Allah ay pupunta sa langit at reregaluhan ng
pitumpu’t dalawang babaeng virgin, (aba,
langit nga!), at ang mga pasaway ay sa impyerno rin ang bagsak. Hindi uso ang
paggunita sa mga yumao. Walang dalaw dalaw sa puntod dahil ‘anila, ang mga labi
ay isa na lamang na ordinaryong lupa na tulad ng nakikita sa lansangan. Ang
relihiyong Buddhism ay walang diyos. Si Buddha para sa kanila ay
pinakanatatanging tao. Ayon sa kanila, si Buddha ay narating ang pinakamatayog
na kaluwalhatian (nirvana) ng pagiging tao. Kaya ang aral at turo ni Buddha ang
kanilang sinusunod upang sila ay makatamasa rin ng nirvana. Naniniwala sila sa
reincarnation na kung saan ang pumanaw na tao ay nabubuhay muli sa kaanyuan ng
ibang tao at anyong hayop naman sa mga taong namuhay na pasaway sa lupa. Ito
ang reward and punish system after death na pinaniniwalaan nila. May
klasipikasyon din ang reincarnation ayon sa antas ng kabaitan at kasamaan, ang
may mataas na ‘kabaitan’ ay nag-rereincarnate sa isang mataas at kinikilalang tao
sa lipunan habang ang masyadong ‘pasaway’ ay nagrereincarnate bilang isang
kadiri at mababang uri ng hayop.
Karaniwan na rin sa kamalayan na kapag namatay ang isang
tao, humihiwalay ang kanyang kaluluwa sa katawang lupa. Subalit ano nga ba ang
kaluluwa? Kung pagbabatayan ang mga
napapanood sa mga pelikula, nakaguhit sa mga larawan, ito ay may transparent o
semi-transparent na kaanyuan pero ‘glow in the dark’ na hawig din ng anyo ng
katawan at karaniwan ay kung ano ang hitsura ng sila’y namatay. Sa mga horror
movies, ang mga ‘kaluluwang ligaw’ o iyong hindi pa ‘umaakyat’ ay tinatawag na
multo. Karaniwang nakabarong o babaeng sumusuka ng dugo o babaeng nakaputing
kamison na nakalugay ang mahabang buhok sa bandang mukha o aninong nakikita sa
sinag ng bintana o sa ilalim ng kama. Hindi pahuhuli ang mga Pinoy sa
paniniwala tungkol sa kaluluwa at multo, kung saan halos ang bawat isa ay may
kanya kanyang ‘multo’ story naganap sa kanilang buhay. Sa aspeto ng pilosopiya
at ng mga makata, ang ‘kaluluwa’ ay ang pagkatao na kinapapalooban ng isip at
dangal, as in, ‘puso’t kaluluwa’. ‘Ika ng mga lovers, “…ibibigay ko sa’yo ang
aking puso’t kaluluwa…”
Ating tingnan ang mas sistematikong paliwanag sa kaluluwa, ayon sa
dialectical materialism, ang kaluluwa ay ang consciousness ng tao, ang produkto
ng utak, ito ay ang ‘diwa’ o ‘ulirat’ sa tagalog. Ang science ay hindi rin
isinasaisang tabi ang pag-aaral tungkol sa ‘kaluluwa’ ng mga namayapa. In physics,
the law of conservation of energy states that energy cannot created nor
destroy. Ito ang aking pagbabasehan ng aking paliwanag dito. Maaring ang
kaluluwang tinatawag ay yung transformed energy na nangyayari kapag namatay ang
isang tao. Ang energy composition ng isang buhay na nilalang ay nagbi-breakdown
sa iba’t ibang uri ng energy kapag namatay. For example, ang mga nabuhay na mga
dinasaurs noon ay buhay pa rin hanggang ngayon sa ibang kaanyuang enerhiya. Ang
fossils na kanilang iniwan ay pangunahing sangkap sa petrolyo, a form of energy.
Maari rin naman na may iba pang consolidated atomic energy particles na
gumagala sa atmosphere na may kani-kanilang pagkakakilanlan kung sino at anong
uring nilalang, at ito marahil ang ‘kaluluwa’. Let’s say Jose Rizal, ang kanyang
kaluluwa ay nasa atmosphere o nasa kalawakan lang ngayon, in the form of energy
with certain patterns and identification. Makikilala siya ng isa rin kaluluwa
na may patterns and identification din pero hindi na katulad ng pagkakakilanlan
noong nabubuhay kung saan may pangalan at physical features. It’s something
like in the digital world, where identities are determine in 1’s and 0’s,
hexadecimals, etc. or maari rin, in the forms of wave and vibrations. Ang
kaisipang ito ay maaring isang pseudoscience lamang, wala pa ring konkretong
basehan at dala lang ng aking malikot na imahinasyon. Pero sa palagay ko, ito
ay mas malapit sa katotohanan kaysa ibang paliwanag at paglalarawan dito. Kung
ang teoryang ito ay totoo, kailangang makaimbento ng specialized modem or
decoder upang makilala at magkaroon ng interaction sa isang kaluluwa. Pero sa
ngayon, isang crystal ball or spirit of the glass lang ni Aling Tinay ay
nagkakaigi na, pwede nang makachat ang kaluluwa ng namayapa, walang binatbat
ang skype at yahoo messenger.
Ang basehan ng halaga ng buhay ng tao ay hindi kung gaano
katagal nabuhay sa ibabaw ng daigdig kundi kung paano namuhay . Matagal ngang
nabuhay pero wala namang nagawa, ito yung tinatawag na ‘basta na humihinga’. Mabuti
pa ang namatay na mas bata pero nakagawa ng makabuluhang ambag sa sangkatauhan.
Ang mga namuhay tulad nina Jesus Christ, Martin Luther Jr., Jose Rizal, Bob
Marley, at John Lennon, sila ang mga halimbawa ng maagang namayapa na kahit
lumipas ang mahabang panahon ay buhay pa rin sa kamalayan ng tao.