Mula pa noon ang mga Pinoy ay patuloy na tinatangkilik ang
mga surplus na galing sa mga mayayamang bansa tulad ng Japan, Korea, US. Buhat
sa kasangkapan, gamit, mga damit na kung tawagin ay ‘ukay-ukay’. Bukod sa mura,
karamihan ay branded at signatured stuffs pa, konteng laba at kiskis lang, makagagamit
at makakapagsuot na ng imported goods. Dahilan na rin ng mahinang ekonomiya at
mababang kapangyarihan ng inaaning piso kontra sa banyagang palitan kaya naman tinatangkilik
at nahuhumaling sa salvage at tira-tirahan ng mga banyagang bansa. Ngunit sa
larangan ng pagkatao at moralidad ang pag-uusapan, tanggap pa rin ba ng Pinoy
ang tinaguriang ‘surplus’ ng banyagang bansa?
Sa pagdating sa bansa ni Maria Ozawa, isang adult video star
o pornstar sa Japan ay mainit syang tinanggap ng mga Pinoy. Madali nyang
napenetrate ang Philippine showbiz. Kung pakikinggan ang mga interviews ni Ms.
Ozawa, sa bibig na rin niya nagmula, hirap syang makapasok sa mainstream
showbiz sa Japan dahil sa kanyang work background ngunit sa Pinas, isang kumpas
lang whalla! Instantly welcome to Philippine showbiz na. Sa loob lang ng ilang
araw na pananatili nya sa bansa, kabi-kabila na ang offer sa kanya. Pinapasikat
ng husto, nariyan ang pagiging modelo sa sikat na magazine, produkto at maging ang napapabalitang paggawa ng mainstream movie kasama ang isang actor icon ng Philippine cinema na
si Robin Padilla, take note Robin Padilla ‘yan makakasama ang isang actress na
galing sa ‘dirty showbiz’ ng Japan at ipapalabas sa mainstream cinemas sa buong
bansa. Ano ba ang espesyal sa babaeng ito laban sa ating local na mga aspiring actress? Wala lng, 'imported' lang sya galing Japan kaya madaling nakapasok sa showbiz dito. Heto kase ang thinking ng Pinoy, mas mataas ang level kapag imported kahit 'basura' pa 'yan. Opps, huwag daw manghusga ng tao. Ok, kung pribado syang namumuhay, ok hands-off tayo ngunit ang
kanyang presensya sa bansa ay may kinalaman sa kaisipang panlipunan. Kailangang ihayag kapag may kinalaman sa maaring
maging impact nito sa lipunan sa pangkalahatan. Bilang isang bansang binansagan na ‘catholic nation’
na kaimpokrituhang ipinagsisigawan ang moralidad, ironically, hindi ko mawari
kung bakit ganun na lamang kainit ang pagtanggap sa isang ‘surplus’ ng Japan. Mas
tanggap ito ng mga Pinoy kaysa sa usaping same-sex marriage at divorce, mas
tanggap kaysa usaping reproductive health, mas tanggap kaysa mga ginagawang
istorya ni Dan Brown.
No comments:
Post a Comment