Araw ng Kalayaan. Marami ang nagtatanong tunay ba tayong
malaya? Sa kabila ng kahirapan, banta sa seguridad ng bansa at krimen na
nangyayari masasabi ba nating tayo ay tunay na malaya?
Malaya po tayo. napakalaya. Malaya nating gawin ang mga bagay
bagay. Sa kabila ng napakaraming batas sa Pilipinas, ay malaya pa rin nating
gawin ang mga bagay na gusto nating gawin, mabuti man o masama. Dahil ang mga batas ay mistulang suhestyon lamang at hindi regulasyon. Extreme freedom ang maitatawag dito. Abuso sa kalayaang tinatamasa, kaya naman ang resulta, pautakan, hayagang
hindi pagsunod sa batas, krimen, at ang resulta, ang pagkalugmok ng bansa. Ang mga nasa
pulitika, sinasabi sa constitution na bawal ang dynasty, pero ano ang
nangyayari? Buong kapuluan ay may kamag-anak incorporated sa gobyerno. Pagsalangsang
sa Constitution ang BBL ngunit itong pangulo pa ng Republika ang nagsusulong at atat
ipasa ang naturang batas. Ang mga tao walang takot manakit at pumatay ng kapwa tao. Kahit
yung simpleng bawal magbaba/magsakay ng mga PUV, bawal magtapon ng basura kahit
upos ng sigarilyo, sinusunod ba ito ng isang Pinoy? Hindi! Dahil tayo ay nasa 'society of impunity'. Malaya nating
sinusunod ang saltik ng ating pag-iisip at sinasabing "Pakialam n'yo, e
ito ang gusto ko", o “wala kang pakialam, buhay ko’to” na hindi na iniisip
ang kahihinatnan sa susunod na mangyayari at magiging epekto sa lipunan sa
pangkalahatan. Ang mga tambay ay malayang tumambay maghapon na walang
kumakastigo at obligahing magtrabaho. Malayang mamumo sa bansa kahit sinong Herodes,
matalino man o walang alam, nakapag-aral man o hindi, maging ang mga kriminal
man o santito. Kaya naman heto na ang resulta ng ating kalayaan, bansang walang
tiyak na patunguhan dahil bawat isa ay may kanya kanyang sariling diskarte. We
are not sailing on the same direction. Kaya, wala tayong maipagmalaki sa mundo
na ating major accomplishment. Masyado tayong abusado sa kalayaan.
No comments:
Post a Comment