Ang 'Iglesia ni Cristo' ni Manalo

Mga pananaw sa doktrina at paniniwala ng sektang pangrelihiyon na Iglesia ni Cristo na itinatag ni Felix Manalo noong 1914. Sila diumano ay natatangi at nagkakaisa. Marahil nga'y totoo. Sa pangkalahatang paglalarawan, ang konsepto ay pumapatak sa iisang bagay, 'iglesia muna bago ang lahat'.


Mga piniling maliligtas

Itinatanim ng mga ministro sa kokote ang katagang 'Sumunod lang kayo, kaligtasan ay garantisado'. Bilang kaanib ng INC, hinahabi sa kanilang mga utak ang kaisipang sila ang natatanging pinili sa buong sangkatauhan na maliligtas sa araw ng paghuhukom. Anila, tanging mga miyembro lamang nila ang maliligtas na parang meron silang 'magic spaceship' na sasakyan sa sandaling maggunaw ang mundo na doon sila'y sasakay. Nakakaawa ang tingin nila sa lahat ng tao na hindi miyembro dahil ipinagpapalagay nila na kamatayan at impyerno ang hantungan ng mga ito. Sila'y taas noo sa kaisipang 'ligtas kami, paano na kayo?' Nakakatawang isipin ang doktrinang ito, ibig lamang sabihin, halos lahing Pinoy lamang ang mapupunta sa langit dahil halos lahat ay mga Pinoy lamang ang mga kasapi ng grupong ito? Ang mga righteous people sa iba't ibang bahagi ng daigdig, mga santo at santa ay sa impyerno na rin pala babagsak dahil hindi sila member ng INC?

Magbigay ng abuloy para sa 'Ama'

Katulad ng sa gobyerno na obligadong magbayad ng withholding tax, ang bawat miyembro ng INC ay obligadong magbigay ng sampung porsyento ang buwanang kita para sa abuloy. Imagine, kung 2.5 milyong miyembro, kung tig 1 piso na lang sa isang buwan, maliwanag na 2.5 milyong piso na agad yun. How much more if 10% ng sahod bukod pa ang sa pagdiriwang ng mga okasyon na mas malalaki ang iniaabuloy. Sa pagtataya, aabot ng mahigit kumulang 50 bilyong piso ang kinikita ng INC buhat sa abuloy kada taon bukod pa ang mga 'gift' ng mga pulitiko, at tax-free 'yan. Ang masakit nito, sa laki ng perang pumapasok sa INC, ni walang malinaw na mekanismo kung paano ito ibinabalik sa miyembro maging ito man ay serbisyo o welfare. Ang mga kasapi ba ay nakakatanggap ng obligado at regular na serbisyo tulad ng pagpapaaral, pabahay, pangkabuhayan? Palagay ko hindi, dahil ito ay iniaatang pa rin nila sa gobyerno, dahil anila, hindi nila saklaw ito. Samakatuwid, kabig lng ng kabig, walang pabuhos. Kung ating ihahalintulad sa pangongolekta ng buwis ng gobyerno, ang mamamayan ay may karapatan at inaasahang serbisyong balik, obligado iyang ibalik ng gobyerno at iulat. Ngunit sa INC, hindi na kailangang tanungin at bulatlatin kung saan ginagamit ang pondo dahil ipinapalagay ng bawat kasapi na ito ay para sa 'Ama'. May patutunguhan ang inilaang pera, as in  your money goes up in the sky. Parang 'ako ay may lobo lumipad sa langit' lang.


INC muna bago ang bayan

Ang pamunuan ng Iglesia ni Cristo ay maihahalintulad sa isang nasyon na may sistemang monarkiya kung saan ang mga pinuno ay may absolute power. Kailangang sundin at lunukin ng mga miyembro anuman ang sambitin ng mga namumuno. Ito ay matatawag na Kaharian ni Manalo. Kautusan ng hari, hindi dapat mabali. Isinasara ang tenga at mata sa paligid ng mga kasapi. Ang mga lalabag ay papatawan ng pagkickout sa iglesia na nangangahulugan lamang na impyerno ang patutunguhan sa araw ng paghuhukom, ayon na rin iyan sa turo nila, 'ang lahat ng nasa labas ng iglesia ay hindi maliligtas'. Kaya naman ganoon na lamang ang takot at pagtalima sa mga salitang binibitiwan ng kanilang pinunong ministro.

Ang bawat kasapi ay virtually, tinatanggalan ng pangunahing karapatan bilang mamamayan. Ang constitutional rights of suffrage ay isinasaisangtabi ng bawat miyembro. Tuwing eleksyon, tanyag sila sa bloc voting, kung ano ang idikta ng ministro, iyon ang dapat ang iboto. Kurakot man o hindi ang kandidato, it doesn't matter, basta may makukuhang proteksyon sa interest ng iglesia. Kaya naman nililigawan ng mga kandidato ang kanilang mga pinuno tuwing eleksyon.

Hindi nakikialam ang INC sa mga gawain at usaping pulitikal. Tahimik sila sa usapin ng kurapsyon, kahirapan, diborsyo, rh, etc. maging sa mga proyektong panglipunan. Anila, walang bagay na nililikha ng tao ang makakapagsalba sa kaparusahan kaya wala silang pakialam sa aspeto ng lipunang pulitikal basta focus lang sa interest ng iglesia at gawain nito. Hindi rin nila sinasaling ang mga elitista at kapitalista kahit gaano kaganid pa yan, kaya bawal sa mga kasapi ang lumahok sa mga welga at pambabatikos dahil takot din sila na buweltahan at maaring ikasama ng iglesia. Kumbaga, kanya-kanyang raket lang 'yan brod, mind your own business.

Pakikipagkapwa tao at pagkamakatao

Again, wala silang pakialam kung naghihirap ang nasyon, dumaranas ng sakuna. Basta focus lamang sila sa kagalingan ng iglesia. Naniniwala sila sa dalawang bagay kaya nangyayari ito, una makakasalanan na ang tao kaya pinaparusahan ng 'Ama', pangalawa, ito'y pagsubok sa buhay na kailangang malampasan. Noong nakaraang matitinding sakuna, sila ang mas vocal sa mga katagang tulad nito 'malapit na talagang magwakas ang mundo, magalak dahil malapit na tayong maligtas'. Sa pagkamakatao, ang pagkakawang gawa ay hindi ang pangunahing misyon kundi ang pag-akay sa iglesia. Nasa isipan nila na mas makatao ang kanilang ginawa kapag naakay nila ang isang tao na umanib sa INC.  Mas matimbang ang magrecruit kasya magkawang-gawa.

Itong kasalukuyang kontrobersiyang kinakaharap ng kanilang grupo, inuutusan ni Eduardo Manalo ang mga kasapi na panatilihin ang focus sa iglesia at maghinay hinay daw gumamit ng internet at social media dahil marahil sa baka nga naman mauntog at mamulat sa katotohanan. Ang ina at kapatid ni Eduardo Manalo na sina Tenny at Angel Manalo na na-dismember ng grupo ay sa impyerno na ang bagsak kung pagbabasehan ang kanila mismong doktrina kasama na ang mga  tumiwalag na mga ministro na nagsisiwalat ng korapsyon sa iglesia. Isa lamang ang basa ko sa kaguluhang ito, ang inggitan ng magkakapatid na Manalo sa pamumuno sa multi-billion family business na laway lamang ang puhunan na ibinibenta sa mga ignoranteng kasapi.

Si Maria Ozawa at ang Pagkahumaling ng Pinoy sa Ukay

Mula pa noon ang mga Pinoy ay patuloy na tinatangkilik ang mga surplus na galing sa mga mayayamang bansa tulad ng Japan, Korea, US. Buhat sa kasangkapan, gamit, mga damit na kung tawagin ay ‘ukay-ukay’. Bukod sa mura, karamihan ay branded at signatured stuffs pa, konteng laba at kiskis lang, makagagamit at makakapagsuot na ng imported goods. Dahilan na rin ng mahinang ekonomiya at mababang kapangyarihan ng inaaning piso kontra sa banyagang palitan kaya naman tinatangkilik at nahuhumaling sa salvage at tira-tirahan ng mga banyagang bansa. Ngunit sa larangan ng pagkatao at moralidad ang pag-uusapan, tanggap pa rin ba ng Pinoy ang tinaguriang ‘surplus’ ng banyagang bansa?


Sa pagdating sa bansa ni Maria Ozawa, isang adult video star o pornstar sa Japan ay mainit syang tinanggap ng mga Pinoy. Madali nyang napenetrate ang Philippine showbiz. Kung pakikinggan ang mga interviews ni Ms. Ozawa, sa bibig na rin niya nagmula, hirap syang makapasok sa mainstream showbiz sa Japan dahil sa kanyang work background ngunit sa Pinas, isang kumpas lang whalla! Instantly welcome to Philippine showbiz na. Sa loob lang ng ilang araw na pananatili nya sa bansa, kabi-kabila na ang offer sa kanya. Pinapasikat ng husto, nariyan ang pagiging modelo sa sikat na magazine, produkto at maging ang napapabalitang paggawa ng mainstream movie kasama ang isang actor icon ng Philippine cinema na si Robin Padilla, take note Robin Padilla ‘yan makakasama ang isang actress na galing sa ‘dirty showbiz’ ng Japan at ipapalabas sa mainstream cinemas sa buong bansa. Ano ba ang espesyal sa babaeng ito laban sa ating local na mga aspiring actress? Wala lng, 'imported' lang sya galing Japan kaya madaling nakapasok sa showbiz dito. Heto kase ang thinking ng Pinoy, mas mataas ang level kapag imported kahit 'basura' pa 'yan. Opps, huwag daw manghusga ng tao. Ok, kung pribado syang namumuhay, ok hands-off tayo ngunit ang kanyang presensya sa bansa ay may kinalaman sa kaisipang panlipunan. Kailangang ihayag kapag may kinalaman sa maaring maging impact nito sa lipunan sa pangkalahatan. Bilang isang bansang binansagan na ‘catholic nation’ na kaimpokrituhang ipinagsisigawan ang moralidad, ironically, hindi ko mawari kung bakit ganun na lamang kainit ang pagtanggap sa isang ‘surplus’ ng Japan. Mas tanggap ito ng mga Pinoy kaysa sa usaping same-sex marriage at divorce, mas tanggap kaysa usaping reproductive health, mas tanggap kaysa mga ginagawang istorya ni Dan Brown. 
Freethinkers are those who are willing to use their minds without prejudice and without fearing to understand things that clash with their own customs, privileges, or beliefs. This state of mind is not common, but it is essential for right thinking; where it is absent, discussion is apt to become worse than useless. -Leo Tolstoy