Abusado sa Kalayaan

Araw ng Kalayaan. Marami ang nagtatanong tunay ba tayong malaya? Sa kabila ng kahirapan, banta sa seguridad ng bansa at krimen na nangyayari masasabi ba nating tayo ay tunay na malaya?


Malaya po tayo. napakalaya. Malaya nating gawin ang mga bagay bagay. Sa kabila ng napakaraming batas sa Pilipinas, ay malaya pa rin nating gawin ang mga bagay na gusto nating gawin, mabuti man o masama. Dahil ang mga batas ay mistulang suhestyon lamang at hindi regulasyon. Extreme freedom ang maitatawag dito. Abuso sa kalayaang tinatamasa, kaya naman ang resulta, pautakan, hayagang hindi pagsunod sa batas, krimen, at ang resulta, ang pagkalugmok ng bansa. Ang mga nasa pulitika, sinasabi sa constitution na bawal ang dynasty, pero ano ang nangyayari? Buong kapuluan ay may kamag-anak incorporated sa gobyerno. Pagsalangsang sa Constitution ang BBL ngunit itong pangulo pa ng Republika ang nagsusulong at atat ipasa ang naturang batas. Ang mga tao walang takot manakit at pumatay ng kapwa tao. Kahit yung simpleng bawal magbaba/magsakay ng mga PUV, bawal magtapon ng basura kahit upos ng sigarilyo, sinusunod ba ito ng isang Pinoy? Hindi! Dahil  tayo ay nasa 'society of impunity'. Malaya nating sinusunod ang saltik ng ating pag-iisip at sinasabing "Pakialam n'yo, e ito ang gusto ko", o “wala kang pakialam, buhay ko’to” na hindi na iniisip ang kahihinatnan sa susunod na mangyayari at magiging epekto sa lipunan sa pangkalahatan. Ang mga tambay ay malayang tumambay maghapon na walang kumakastigo at obligahing magtrabaho. Malayang mamumo sa bansa kahit sinong Herodes, matalino man o walang alam, nakapag-aral man o hindi, maging ang mga kriminal man o santito. Kaya naman heto na ang resulta ng ating kalayaan, bansang walang tiyak na patunguhan dahil bawat isa ay may kanya kanyang sariling diskarte. We are not sailing on the same direction. Kaya, wala tayong maipagmalaki sa mundo na ating major accomplishment. Masyado tayong abusado sa kalayaan.
Freethinkers are those who are willing to use their minds without prejudice and without fearing to understand things that clash with their own customs, privileges, or beliefs. This state of mind is not common, but it is essential for right thinking; where it is absent, discussion is apt to become worse than useless. -Leo Tolstoy