Maguindanao Massacre II


Isang nakapanlulumong pangyayari na naman ang naganap sa katimugang bahagi ng bansa. Mahigit 50 miyembro ng PNP-SAF ang walang awang minasaker ng mahigit 300 bandidong miyembro ng BIFF at MILF.  Ang pakay lamang naman ng mga pulis ay mag-serve ng warrant-of-arrest sa dalawang notoryos na international terrorists na positibong nagkukubli sa lugar ng Maguindanao. Ayon sa survivor ng masaker, bitbit na nila ang subject, ngunit nang sila ay palabas na ng lugar, patraydor na tinambangan at pinaulanan na sila ng bala at pasabog ng mga MILF/BIFF. Nakakapag-isip tuloy na ang mga grupong ito ay nagkakanlong at nagpoprotekta ng mga terorista. Ayon mismo sa bibig ni DILG Sec. Mar Roxas, ito ay ‘misencounter’, na ibig sabihin ay aksidenteng nagkaputukan lamang ang dalawang panig. Ngunit sa mga imaheng iniwan, hindi ito matatawag na misencounter lamang kun’di masaker, o carnage, o bloodbath. Sa mga lumabas na larawan, makikita pa ang kawalang habas at pag’baboy’ sa mga labi ng mga pulis ng kanilang mga nakasagupa. Ninakaw din ang mga gamit ng bitbit ng mga pulis. Nangyari diumano ang ‘misencounter’ dahil walang coordination sa panig ng MILF ayon kay Muhaghir Iqbal na tagapagsalita ng grupo. Ang nangyaring pagpapaulan ng bala ng mga MILF at BIFF ay ‘self-defense’ lamang ayon pa rin kay Iqbal. Sa kabila ng pinagkasunduan ceasefire habang pinagugulong ang pagbabalangkas ng Bangsamoro Basic Law, heto at gumamit na naman ng dahas ang mga bandido na laging uhaw sa pagdanak ng dugo.  Sa panig ng militar (AFP), hindi sila gumawa ng hakbang upang ayudahan ang mga pulis dahil iginagalang nila ang ceasefire agreement. Pero sa panig ng MILF, walang ceasefire-ceasefire kapag nakakita ng kalaban. Hayst, anong klaseng mga kausap ito? Ayon kay Sen. Peter Cayetano na binawi na ang suporta sa BBL, ‘no coordination’ lang ang sasabihin nila pagkatapos imasaker ang mga pulis. Paano tayo magtitiwala sa mga ganitong klaseng tao? Paano tayo magtitiwala sa pamunuan ng grupong ito na hindi kayang pangasiwaan ang lugar? Na mismong mga tauhan nila ay hindi nila kayang makontrol. Na wala silang ginagawang hakbang upang masakote ang mga teroristang naglulungga sa kanilang lugar.
Ang MalacaƱang ay nagpaunang sabi, hindi raw dapat makaapekto sa isinasagawang agreement at pagbuo ng BBL ang nangyari. Iyon daw ay isolated case at misencounter lamang. Ibig sabihin, no plan for retaliation, no plan to make justice. Kumbaga, mismong ang gobyerno pa ang nagpapababa ng bigat ng nangyari. Ayaw kase nilang madiskaril ang plano ng pangulong BS Aquino na isulong ang agreement dahil sa minimithing Nobel Peace Prize na gustong iwanang legacy ng kanyang panunungkulan at pagtakpan ang kahinaan ng kanyang administrasyon na matatapos na ang termino sa isang taon ay ni wala pang nagagawang malakihang pagbabago. Kahit na ito’y pagdura sa libingan ng mga sundalo at pulis na idinilig ang dugo sa pakikipaglaban sa mga terorista at bandidong ito noon pa mang nakalipas na mga dekada.  Kahit na labag sa saligang batas at yurakan ang soberanya ng bansa ay ayos lamang. Kaya naman, nakakatawang nakakaasar nang nagpahayag sina Sec. Mar Roxas at PNP Director General Leonardo Espina na hindi sila ‘informed’ sa gagawing operation. WTF, General? Hindi kayo aware na may huhulihing INTERNATIONAL terrorists sa panahon at lugar na iyon! Anong klaseng pamumuno ‘yan? Ngayon nga ay ibinabagsak ang sisi sa mga downline officers ang malagim na naganap. O gusto lamang talagang sang-ayunan ang pahayag ng pamunuan ng mga bandido na ‘no coordination’ nga. Ibig palabasin na, both parties agrees for ‘no coordination’ lapses, para makakuha na simpatiya at bumaba ang pagngingitngit  ng taumbayan sa nangyari.

Dahil sa pangyayari, ayon kay Sen. Bongbong Marcos, na namumuno sa pagdinig ng BBL, “A peace settlement cannot be legislated under the threat of such extreme violence.”  Ha, sa tagal nang panahon ngayon lang napansin na may ‘extreme violence’ nga sa katimugan, ngayong may minasaker na 50 pulis. Kunsabagay, ganito naman talaga sa Pinas, walang krimen kung hindi napa-publish. Pero sa totoo lamang noon pa man laganap na ang ‘extreme violence sa Mindanao. Ang walang kakayahang dis-armahan ang mga grupo ng bandito at terorista sa Mindanao ay laging nariyan ang ‘extreme violence’.  Na noon pa man ay may mga travel advisories na ang mga bansa na iwasang pumunta sa katimugang bahagi ng bansa dahil mapanganib ang lugar.
Jackpot ang mga bandidong MILF sa BBL. Kung saan, magkakaroon sila ng malaking kapangyarihan sa lugar, mas malayang magagawa ang gustong gawin. Hindi na ba nadala ang gobyerno kay Nur Misuari na noo’y binigyan ng autonomiyang pamunuan ang bahagi ng Mindanao pero, ano ang nangyari?, wala! Lalo lamang nalugmok ang kanyang nasasakupan dahil ang resources ng lugar ay ginamit lamang sa pansariling interes. Sa paghahangad ng ‘peace’ kuno sa Mindanao, sangkaterbang diplomasya ang pinapairal ng gobyerno. Ngunit paano nga ba makipag-usap sa mga bandidong kulang sa pihit ang turnilyo ng utak? ‘Ika nga sa commercial, ‘hindi dapat bini-beybi ang mikrobyo...pinapatay!’
Bakit kailangang makipagkasundo at bigyan ng sariling kapangyarihan sa lugar ang mga bandidong ito. Sa totoo lang they are decentralized, they control nothing, kahit ang sarili nilang mga miyembro hindi nila kayang kontrolin. Ang pruweba? Sa pasimula pa lamang, kung paano nanganganak sa iba't ibang grupo yan, from MNLF to MILF to BIFF, ibig sabihin bawat unit o bawat lugar ay may kanya kanyang diskarte ang mga pinuno ng pangkat. May kanya kanyang gustong mangyari, interes at maghari kaya naman nanganganak ng iba't ibang paksyon ang mga bandidong ito. Makipag-ayos man ang gobyerno sa MILF, nariyan pa rin ang MNLF at BIFF na sila naman ang manggugulo dyan sa Mindanao.

Kaya naman makiisa. Junk BBL agreement!

No comments:

Post a Comment

Freethinkers are those who are willing to use their minds without prejudice and without fearing to understand things that clash with their own customs, privileges, or beliefs. This state of mind is not common, but it is essential for right thinking; where it is absent, discussion is apt to become worse than useless. -Leo Tolstoy