Isang nakapanlulumong pangyayari na naman ang naganap sa
katimugang bahagi ng bansa. Mahigit 50 miyembro ng PNP-SAF ang walang awang
minasaker ng mahigit 300 bandidong miyembro ng BIFF at MILF. Ang pakay lamang naman ng mga pulis ay
mag-serve ng warrant-of-arrest sa dalawang notoryos na international terrorists
na positibong nagkukubli sa lugar ng Maguindanao. Ayon sa survivor ng masaker,
bitbit na nila ang subject, ngunit nang sila ay palabas na ng lugar, patraydor
na tinambangan at pinaulanan na sila ng bala at pasabog ng mga MILF/BIFF. Nakakapag-isip
tuloy na ang mga grupong ito ay nagkakanlong at nagpoprotekta ng mga terorista.
Ayon mismo sa bibig ni DILG Sec. Mar Roxas, ito ay ‘misencounter’, na ibig
sabihin ay aksidenteng nagkaputukan lamang ang dalawang panig. Ngunit sa mga
imaheng iniwan, hindi ito matatawag na misencounter lamang kun’di masaker, o
carnage, o bloodbath. Sa mga lumabas na larawan, makikita pa ang kawalang habas
at pag’baboy’ sa mga labi ng mga pulis ng kanilang mga nakasagupa. Ninakaw din ang
mga gamit ng bitbit ng mga pulis. Nangyari diumano ang ‘misencounter’ dahil
walang coordination sa panig ng MILF ayon kay Muhaghir Iqbal na tagapagsalita
ng grupo. Ang nangyaring pagpapaulan ng bala ng mga MILF at BIFF ay
‘self-defense’ lamang ayon pa rin kay Iqbal. Sa kabila ng pinagkasunduan
ceasefire habang pinagugulong ang pagbabalangkas ng Bangsamoro Basic Law, heto
at gumamit na naman ng dahas ang mga bandido na laging uhaw sa pagdanak ng
dugo. Sa
panig ng militar (AFP), hindi sila gumawa ng hakbang upang ayudahan ang mga
pulis dahil iginagalang nila ang ceasefire agreement. Pero sa panig ng MILF,
walang ceasefire-ceasefire kapag nakakita ng kalaban. Hayst, anong klaseng mga
kausap ito? Ayon kay Sen. Peter Cayetano na
binawi na ang suporta sa BBL, ‘no coordination’ lang ang sasabihin nila
pagkatapos imasaker ang mga pulis. Paano tayo magtitiwala sa mga ganitong
klaseng tao? Paano tayo magtitiwala sa pamunuan ng grupong ito na hindi kayang
pangasiwaan ang lugar? Na mismong mga tauhan nila ay hindi nila kayang
makontrol. Na wala silang ginagawang hakbang upang masakote ang mga teroristang
naglulungga sa kanilang lugar.
Ang MalacaƱang ay nagpaunang sabi, hindi raw dapat
makaapekto sa isinasagawang agreement at pagbuo ng BBL ang nangyari. Iyon daw
ay isolated case at misencounter lamang. Ibig sabihin, no plan for retaliation,
no plan to make justice. Kumbaga, mismong ang gobyerno pa ang nagpapababa ng
bigat ng nangyari. Ayaw kase nilang madiskaril ang plano ng pangulong BS Aquino
na isulong ang agreement dahil sa minimithing Nobel Peace Prize na gustong
iwanang legacy ng kanyang panunungkulan at pagtakpan ang kahinaan ng kanyang
administrasyon na matatapos na ang termino sa isang taon ay ni wala pang
nagagawang malakihang pagbabago. Kahit na ito’y pagdura sa libingan ng mga
sundalo at pulis na idinilig ang dugo sa pakikipaglaban sa mga terorista at bandidong
ito noon pa mang nakalipas na mga dekada. Kahit na labag sa saligang batas at yurakan
ang soberanya ng bansa ay ayos lamang. Kaya naman, nakakatawang nakakaasar nang
nagpahayag sina Sec. Mar Roxas at PNP Director General Leonardo Espina na hindi
sila ‘informed’ sa gagawing operation. WTF, General? Hindi kayo aware na may huhulihing
INTERNATIONAL terrorists sa panahon at lugar na iyon! Anong klaseng pamumuno
‘yan? Ngayon nga ay ibinabagsak ang sisi sa mga downline officers ang malagim
na naganap. O gusto lamang talagang sang-ayunan ang pahayag ng pamunuan ng mga
bandido na ‘no coordination’ nga. Ibig palabasin na, both parties agrees for
‘no coordination’ lapses, para makakuha na simpatiya at bumaba ang
pagngingitngit ng taumbayan sa nangyari.
Dahil sa pangyayari, ayon kay Sen. Bongbong Marcos, na
namumuno sa pagdinig ng BBL, “A peace settlement cannot be legislated under the
threat of such extreme violence.” Ha, sa
tagal nang panahon ngayon lang napansin na may ‘extreme violence’ nga sa
katimugan, ngayong may minasaker na 50 pulis. Kunsabagay, ganito naman talaga
sa Pinas, walang krimen kung hindi napa-publish. Pero sa totoo lamang noon pa
man laganap na ang ‘extreme violence sa Mindanao. Ang walang kakayahang dis-armahan
ang mga grupo ng bandito at terorista sa Mindanao ay laging nariyan ang
‘extreme violence’. Na noon pa man ay
may mga travel advisories na ang mga bansa na iwasang pumunta sa katimugang
bahagi ng bansa dahil mapanganib ang lugar.
Jackpot ang mga bandidong MILF sa BBL. Kung saan,
magkakaroon sila ng malaking kapangyarihan sa lugar, mas malayang magagawa ang
gustong gawin. Hindi na ba nadala ang gobyerno kay Nur Misuari na noo’y binigyan
ng autonomiyang pamunuan ang bahagi ng Mindanao pero, ano ang nangyari?, wala!
Lalo lamang nalugmok ang kanyang nasasakupan dahil ang resources ng lugar ay
ginamit lamang sa pansariling interes. Sa paghahangad ng ‘peace’ kuno sa
Mindanao, sangkaterbang diplomasya ang pinapairal ng gobyerno. Ngunit paano nga
ba makipag-usap sa mga bandidong kulang sa pihit ang turnilyo ng utak? ‘Ika nga
sa commercial, ‘hindi dapat bini-beybi ang mikrobyo...pinapatay!’
Bakit kailangang makipagkasundo at bigyan ng sariling kapangyarihan sa lugar ang mga bandidong ito. Sa totoo lang they are decentralized, they control nothing, kahit ang sarili nilang mga miyembro hindi nila kayang kontrolin. Ang pruweba? Sa pasimula pa lamang, kung paano nanganganak sa iba't ibang grupo yan, from MNLF to MILF to BIFF, ibig sabihin bawat unit o bawat lugar ay may kanya kanyang diskarte ang mga pinuno ng pangkat. May kanya kanyang gustong mangyari, interes at maghari kaya naman nanganganak ng iba't ibang paksyon ang mga bandidong ito. Makipag-ayos man ang gobyerno sa MILF, nariyan pa rin ang MNLF at BIFF na sila naman ang manggugulo dyan sa Mindanao.
Bakit kailangang makipagkasundo at bigyan ng sariling kapangyarihan sa lugar ang mga bandidong ito. Sa totoo lang they are decentralized, they control nothing, kahit ang sarili nilang mga miyembro hindi nila kayang kontrolin. Ang pruweba? Sa pasimula pa lamang, kung paano nanganganak sa iba't ibang grupo yan, from MNLF to MILF to BIFF, ibig sabihin bawat unit o bawat lugar ay may kanya kanyang diskarte ang mga pinuno ng pangkat. May kanya kanyang gustong mangyari, interes at maghari kaya naman nanganganak ng iba't ibang paksyon ang mga bandidong ito. Makipag-ayos man ang gobyerno sa MILF, nariyan pa rin ang MNLF at BIFF na sila naman ang manggugulo dyan sa Mindanao.
Kaya naman makiisa. Junk BBL agreement!